Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

11 MARSO 2026/ OPEN HOUSE ACTIVITY

Bilang pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2026 na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa!”, matagumpay na nagsagawa ang San Gabriel Fire Station ng isang Open House Activity sa pakikipag-ugnayan sa LGU San Gabriel.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa Baitang 3 ng San Gabriel Elementary School na nagkaroon ng masaya at makabuluhang karanasan na inihanda ng himpilan.
Tampok sa programa ang storytelling, pagpapakilala sa mga kagamitan sa fire safety at wastong paggamit nito, at mga interactive na gawain na naglalayong ituro ang kahalagahan ng pag-iwas sa sunog at kahandaan sa sakuna. Nasaksihan din ng mga mag-aaral ang mga demonstrasyon sa basic fire suppression na nagbigay sa kanila ng mas malinaw na kaalaman tungkol sa tungkulin ng mga bumbero at kanilang pagtugon sa emerhensiya.
Nakibahagi rin ang mga mag-aaral sa demonstrasyon ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at basic first aid. Lalong naging kapana-panabik ang aktibidad sa pamamagitan ng “Slide for Life” at paglalaro ng BFP snake and ladder.
Sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month, patuloy na pinagtitibay ng San Gabriel Fire Station, katuwang ang LGU San Gabriel, ang kanilang adbokasiya sa pagpapalaganap ng kaalaman sa fire safety at kahandaan sa sakuna—lalo na sa kabataan. Sa ganitong mga gawain, pinapaalala na sa pag-iwas sa sunog, mas nagiging matatag tayo kung sama-sama.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1AMUXgtWc7/

Official Website of the Municipality of San Gabriel