2nd La Union Immunization Summit cum Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA 2026)!
Isang malaking karangalan para sa ating bayan ang makatanggap ng Plaque of Recognition sa ginanap na 2nd La Union Immunization Summit cum Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA 2026)!
Recognized bilang Top 7 Local Government Unit sa buong lalawigan, nakamit ng LGU San Gabriel ang kahanga-hangang 106.7% vaccination coverage batay sa actual population!
Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na pagsusumikap at pagtutulungan upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng bawat kabataan sa ating bayan.
Maraming salamat sa ating Municipal Health Office (MHO) na pinapangunahan ni Doctor Ruth M. Delas Peñas, sa ating mga healthcare workers, Barangay Health Workers (BHWs), at higit sa lahat, sa mga magulang at mamamayan ng San Gabriel para sa inyong buong-pusong suporta at pakikiisa! 
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Dfipr4ZCu/