3RD QUARTER SOCIAL PENSION PAYOUT | SEPTEMBER 22, 2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw, September 22, 2026, ang 2026 3rd Quarter Social Pension Payout para sa ating mga nakatatanda sa Bayan ng San Gabriel, La Union.
Sa kabuuan, 741 Social Pensioners ang nakatanggap ng kanilang social pension para sa July, August, at September 2026.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Treasury Office, ang maayos na pagpapatupad ng payout.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa DSWD Field Office 1 para sa monitoring at pag-obserba sa isinagawang payout, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan upang matiyak ang maayos na paghahatid ng programa sa ating mga benepisyaryo.
Malaking bahagi rin ng tagumpay ng aktibidad ang aktibong pakikiisa ng ating mga Barangay Senior Citizens Affairs (BSCA) Presidents at ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), na tumulong sa pag-asikaso at paggabay sa kanilang mga miyembro upang maging maayos, mabilis, at organisado ang daloy ng payout.
Sa bawat payout, higit pa sa pensyon ang nais nating maipadama, ang pagkilala, paggalang, at pagpapahalaga sa ating mga nakatatanda na patuloy na mahalagang bahagi ng ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa matagumpay na 3rd Quarter Social Pension Payout!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Dok7Kb4Cc/