Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Aksyon Kontra Baha: Paglilinis at Dredging, Naisagawa na

Sa direktiba ng ating lokal na pamunuan, agad na isinagawa ang paglilinis at pagpapalalim (dredging) ng ating mga pangunahing kanal at daluyan ng tubig nitong nakaraang Hulyo 6 at 7. Ang maagang pagkilos na ito ay bahagi ng ating puspusang paghahanda at pag-iingat bago pa man tumama ang mga paparating na bagyo at banta ng pagbaha sa ating lokalidad.
Habang ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad, lubos din nating kailangan ang suporta ng bawat pamilya. Hinihimok po ang bawat kailyan na makiisa sa pamamagitan ng disiplinado at tamang pagtatapon ng basura, pagbubukod ng mga kalat sa tahanan, at pag-iwas sa pagtatapon sa mga pampublikong lugar upang hindi muling magbara ang ating mga daluyan ng tubig.
Kaakibat ng mabilis na aksyon ng pamahalaan, ang tagumpay ng proyektong ito ay nakasalalay sa ating pagkakaisa. Ang kaligtasan at kalinisan ng ating bayan ay hindi lamang tungkulin ng iilan, kundi nagmumula sa malasakit at pagtutulungan ng bawat isa sa atin.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1LgTcsndhx/

Official Website of the Municipality of San Gabriel