Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Ang kaligtasan ng bawat kailyan ang ating pangunahing prayoridad. Agtitinulong tayo!

Kaugnay ng banta ng Tropical Depression Luis, pinaaalalahanan ang lahat ng mamamayan ng San Gabriel na maging mapagmatyag, mag-ingat, at maghanda sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

Para sa kaligtasan ng bawat pamilya, mangyaring sundin ang mga sumusunod na gabay:
Manatiling Alisto at Updated: Subaybayan ang mga opisyal na balita at weather updates mula sa ating lokal na pamahalaan at PAGASA.
Maghanda ng Emergency Kit: Ihanda ang mga pangunahing kailangan tulad ng malinis na tubig, de-lata, flashlight, ekstrang baterya, at mga importanteng dokumento.
I-secure ang mga Tahanan: Suriin ang mga bubong, bintana, at paligid ng bahay. Siguraduhing ligtas ang mga nakabitin o maaaring liparin ng hangin.

Iwansan ang Mapanganib na Lugar: Lumayo sa mga lugar na prone sa flash floods, landslide, at malapit sa mga rumaragasang ilog o baybayin. Kung kinakailangan ang pre-emptive evacuation, makipagtulungan po agad sa ating mga opisyal ng barangay.

Ang kaligtasan ng bawat kailyan ang ating pangunahing prayoridad. Agtitinulong tayo!

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18jYiASxrB/

Official Website of the Municipality of San Gabriel