AKSIYON LABAN SA DENGUE: MAGING HANDA SA TAG-ULAN
📢 AKSIYON LABAN SA DENGUE: MAGING HANDA SA TAG-ULAN! 🌧️🦟
Kailyan, papalapit na naman ang panahon ng tag-ulan. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin ay ang banta ng dengue. Huwag nating hayaang mapinsala ang kalusugan ng ating pamilya!
Pinaaalalahanan ang bawat tahanan na ugaliin ang mga sumusunod na hakbang upang manatiling ligtas at protektado:
Puksain ang mga Pinamumugaran ng Lamok – Itapon ang mga naipong tubig sa mga lumang gulong, lata, at bote. Palitan din nang madalas ang tubig sa mga plorera at kulungan ng hayop.
Linisin ang Paligid – Alisin ang mga baradong estero at gutter upang hindi maipunan ng tubig-ulan. Panatilihing malinis ang inyong bakuran.
Protektahan ang Sarili – Magsuot ng long sleeves at mahabang pantalon hangga’t maaari. Gumamit ng mosquito repellent araw-araw.
Palakasin ang Katawan – Kumain ng masustansyang pagkain, uminom ng maraming tubig, at magkaroon ng sapat na tulog para sa matatag na resistensya.
Agad Magpatingin sa Doktor – Kung may nararanasang lagnat, sakit ng ulo, o iba pang sintomas ng dengue, huwag mag-atubili! Sumangguni agad sa pinakamalapit na health center o ospital.
Sama-sama nating labanan ang dengue!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1SD6wsTXhm/