Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

CONGRATULATIONS!

Taus-pusong binabati ng Lokal na Pamahalaan ng San Gabriel si Public Employment Service Office (PESO) Manager Juliet C. Dawara para sa natatanging pagkilala sa ginanap na 4th SIKAT PESO Awards.
Dinala ng tagumpay na ito ang dalawang pangunahing parangal: ang High Performing PESO (CY 2025) award, at ang NSRP Excellence Award Regional Winner (3rd Class Municipality Category) para sa PESO San Gabriel.
Ang mga parangal na ito ay malinaw na patunay ng tapat na paglilingkod sa komunidad at ng walang sawang dedikasyon sa pagpapalawak ng mga oportunidad para sa bawat mamamayan ng San Gabriel. Ang ganitong antas ng kahusayan ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at malaking karangalan sa buong bayan.
Isang mainit at taos-pusong pagbati, Ma’am Juliet, para sa isang napakakarapat-dapat na pagkilala!
Official Website of the Municipality of San Gabriel