DMMMSU-NLUC Environmental Science Interns, Idineploy para sa OJT sa LGU San Gabriel
Opisyal nang nadeploy ang mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Environmental Science mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University – North La Union Campus (DMMMSU-NLUC) upang magsimula ng kanilang On-the-Job Training (OJT) Pamahalaan ng San Gabriel, La Union.
Ang naturang deployment ay naglalayong mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong maranasan ang aktwal na takbo ng trabaho sa pamahalaan. Sa loob ng 200 oras, sumusunod ang kanilang pagsasanay sa isang interaktibo at komprehensibong pamamaraan kung saan magagamit nila ang kanilang mga natutunan sa silid-aralan upang magkaroon ng aktwal na kontribusyon sa komunidad at kapaligiran.
Malugod na tinatanggap ng Local Government of San Gabriel ang mga interns ng DMMMSU-NLUC. Katuwang ang inyong lokal na pamahalaan, hangad namin na ang karanasang ito ay magsilbing matibay na pundasyon para sa inyong propesyonal na paglago at pag-unlad bilang mga susunod na tagapangalaga ng kalikasan at pamayanan.
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1NDNZFjSLN/