Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Emergency Council Meeting at Pre-Disaster Risk Assessment Isinagawa Dahil sa Orange Rainfall Warning

Isinagawa kaninang umaga ang Emergency Council Meeting at Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kaugnay ng Orange Rainfall Warning na ipinalabas sa ating lalawigan.
Pinangunahan ni Mayor Lany B. Carbonell ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng MDRRMO, PNP, BFP, at mga pinuno ng mga kinauukulang tanggapan upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon, tasahin ang mga posibleng panganib dulot ng malakas na pag-ulan, at pagtibayin ang mga kinakailangang hakbang sa paghahanda at pagtugon.
Layunin ng pagpupulong na higit pang palakasin ang koordinasyon ng bawat tanggapan at ahensya, lalo na sa pagmamanman sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang banta upang matiyak ang maagap at epektibong pagtugon at mapangalagaan ang buhay at kapakanan ng mamamayan.
Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya, at magsagawa ng kinakailangang paghahanda. Manatiling alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan.
Official Website of the Municipality of San Gabriel