Executive Order No. 49-2026 Patungkol sa African Swine Fever (ASF) Biosecurity Measures
Kaninang umaga ay ginanap ang isang mahalagang coordination meeting sa Multi-Purpose Hall, 3rd floor, Legislative Bldg. para sa mga kinatawan ng ating mga Punong Barangay pati na rin sa mga Local Market Vendors upang talakayin ang Executive Order No. 49-2026 patungkol sa African Swine Fever (ASF) Biosecurity Measures.
Pinangunahan ang mahalagang pagtitipon na ito nina Mayor Lany Carbonell at Municipal Agriculturist Rizalina Quiros, kasama ang Committee on Agriculture na binubuo nina Chairman SBM Renato Laquidan, Vice Chairman SBM Benilda Bang-oa, at mga miyembrong sina SBM Jonathan Obar at SBM Ador Abuan.
Ibinahagi sa pulong ang mga direktiba tulad ng pag-sourcing ng locally registered swine o pork suppliers, ang tamang proseso ng pagkatay sa Municipal Slaughterhouse sa pamamagitan ng MAO inspections, at ang kahalagahan ng mahigpit na biosecurity at pag-monitor laban sa ilegal na transportasyon ng baboy.
Malaking tulong ang presensya at suporta ng bawat isa upang masigurong ligtas at protektado ang ating local livestock industry laban sa ASF.
Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon at malasakit sa ating bayan!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HpTFc6LJv/