Expanded Local School Board Meeting
Isinagawa ngayong araw, Nobyembre 3, 2026, ang Expanded Local School Board Meeting sa Municipal Session Hall, Poblacion, San Gabriel, La Union sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Lany M. Baobaoen-Carbonell.
Naging pangunahing paksa sa nasabing pagpupulong ang updates ukol sa Special Education Fund (SEF) Utilization na ipinaliwanag at inilatag ng ating Municipal Budget Officer na si Mr. Parnamar C. Baoanen. Samantala, inilagay at iniprisinta naman ni Mr. Kelvin John D. Bentayen (Local Youth Development Officer I / LSB Secretariat) ang iba pang mga programa, proyekto, at mahahalagang usapin na nakalaan para sa pasilidad, kagamitan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral at guro sa buong bayan.
Muli ang ating taos-pusong pasasalamat sa lahat ng miyembro ng board, mga kinatawan ng DepEd, at mga katuwang sa sektor ng edukasyon para sa inyong walang sawang suporta, dedikasyon, at pakikiisa!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17rKAZTL3i/