Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

GALAW NA MAY SIGLA, BUHAY NA MAY SAYA!

Buong pagmamalaking kinikilala ng Local Government Unit of San Gabriel ang pakikilahok ng Wrinkled Groovers, ang kinatawan ng ating bayan, sa “Galaw na May Sigla, Buhay na may Saya: Provincial Senior Citizens Zumba Competition 2026” na ginanap noong August 20, 2026 sa Bacnotan Farmers Civic Center, Bacnotan, La Union.
Ang grupo ay binubuo ng mga aktibo at masisiglang senior citizens mula sa Barangays Bucao, Bumbuneg, at Poblacion, na buong pusong kumatawan sa Municipality of San Gabriel sa nasabing provincial competition.
Nakiisa rin sa aktibidad ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at ang mga Barangay Senior Citizens Association (BSCA) Presidents, bilang suporta sa ating mga senior citizens at sa pagsusulong ng aktibo at malusog na pamumuhay.
Ang inyong pakikilahok ay patunay na ang edad ay hindi hadlang sa pagkakaroon ng sigla, saya, pagkakaisa, at aktibong pamumuhay.
Congratulations and thank you, Wrinkled Groovers!
Patuloy nating ipakita na sa San Gabriel, ang ating mga senior citizens ay may sigla, may saya, at may galing!
Official Website of the Municipality of San Gabriel