Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Isang Makasaysayang hakbang para sa kalikasan

: , !
Matagumpay na nagtipon ang mga lider ng pamahalaan at iba’t ibang stakeholder ngayong araw, ika-4 ng Mayo, 2026, sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center para sa MOA Signing Ceremony ng pagbuo ng Baroro River Watershed Management Council (BRWMC).
Ang hakbang na ito ay tugon sa tawag ng pangangalaga sa mahigit 18,000 ektaryang watershed na sumasaklaw sa mga bayan ng San Gabriel, Bagulin, San Juan, San Fernando, Bacnotan, at Santol. Bilang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon at pang-araw-araw na gamit, layunin ng konsehong ito na solusyunan ang mga banta ng soil erosion, urbanisasyon, at pagkawatak-watak ng ating kagubatan.

Sa pamamagitan ng BRWMC, mas palalakasin natin ang rehabilitasyon at tamang pamamahala sa ating likas-yaman upang matiyak na may aabutan pa ang susunod na henerasyon

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1B18uyAgv7/

Official Website of the Municipality of San Gabriel