ISANG MALAKING TAGUMPAY PARA SA SAN GABRIEL!
Ipinagmamalaki nating ibahagi na ang ating Local Civil Registry Office (LCRO) ay nagwagi bilang 8th Place sa 2025 Outstanding Local Civil Registry Offices (Extra Small Category) sa buong bansa, kung saan namukod-tangi ang ating tanggapan sa mahigit 620 na mga munisipalidad sa ilalim ng ating kategorya!
Ang parangal ay personal na tinanggap nina Municipal Civil Registrar Jemma Macayan Cortes at Sangguniang Bayan Member Isagani Dumaoang kahapon, October 7, sa katatapos lamang na 5th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ginanap sa PSA Headquarters, East Avenue, Diliman, Quezon City.
Taos-pusong pasasalamat sa walang-patid na dedikasyon, sipag, at sakripisyo ng buong LCRO team sa pamumuno ni Ma’am Jemma Macayan Cortes. Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong matalas na malasakit, kahusayan sa trabaho, at determinasyon na maihatid ang de-kalidad at maayos na serbisyo sa bawat mamamayan.
Patuloy tayong maglilingkod nang may husay at tapat. Mabuhay ang San Gabriel!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EL3pKGRuu/