Isinagawa kaninang umaga ang Emergency Council Meeting at Pre-Disaster Risk Assessment bilang paghahanda sa mga posibleng epekto ng Tropical Depression Luis.
Pinamunuan ni Mayor Lany B. Carbonell ang pagpupulong, kasama ang mga kinatawan ng PNP, BFP, at iba pang kaukulang tanggapan. Tinalakay sa pulong ang kasalukuyang lagay ng panahon, mga inaasahang panganib, at mga kinakailangang hakbang upang mapalakas ang kahandaan at pagtugon sa anumang maaaring idulot ng bagyo.
Layunin ng pagpupulong na paigtingin ang koordinasyon ng lahat ng ahensya upang matiyak ang maagap, maayos, at epektibong pagtugon sa mga posibleng sakuna, gayundin ang patuloy na pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Inaanyayahan ang publiko na manatiling mapagmatyag, makinig at sumunod sa mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya, at maging handa sa anumang sitwasyon. Manatiling alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DvVFN6hdt/