KABAHAGI SA KULTURA AT PAGKAKAISA
Pinatunayan ng Lokal na Pamahalaan ng San Gabriel ang matibay nitong suporta sa ating mga Katutubong Pamayanan sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month at National IP Thanksgiving Day ngayong Oktubre 29, 2026.
Sa pangunguna ng ating mga opisyal at empleyado, buong-pagmamalaki silang nagsuot ng mga kasuotang may disenyong katutubo o IP-inspired attire sa loob ng tanggapan. Ito ay tugon at pagtalima sa SP Resolution No. 2970-2026 na naglalayong itaguyod at pahalagahan ang kultura ng mga katutubo sa buong lalawigan ng La Union.
Patuloy nating kilalanin at ipagmalaki ang ating pamana.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19ZnfmCp5d/