Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

KAHIT SAANG SULOK NG SAN GABRIEL, AABOT ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN!

Ngayong araw, tumungo ang ating mga health workers sa Barangay Lon-oy upang dalhin ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.
Para sa ating mga chikiting, isinagawa ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) para sa mga batang 6–59 months old, kasama ang Vitamin A supplementation.
 Kasabay din nito ang Dental Check-up upang masigurong hindi lamang protektado laban sa Measles at Rubella ang ating mga bata, kundi naaalagaan din ang kanilang oral health.
Saludo sa ating dedicated health workers! Hindi hadlang ang layo, bundok, o hirap ng daan para maihatid ang serbisyo sa bawat pamilya.
 Mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians: Dalhin natin ang ating mga batang 6–59 months old sa MR-SIA. Ang bakuna ay proteksyon—at bawat bata ay mahalaga!
Walang batang maiiwan. Kahit saan man sa sulok ng San Gabriel, pupuntahan namin kayo.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BoqDiwPq1/

Official Website of the Municipality of San Gabriel