LGU San Gabriel, 2nd Best Performing LCRO sa La Union!
Sa ilalim ng suportadong pamumuno ni Mayor Lany Baobaoen Carbonell, buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Lokal na Pamahalaan ng San Gabriel ang tagumpay ng ating Municipal Civil Registry Office (MCRO), sa pangunguna ni Ma’am Jemma Macayan Cortes, sa ginanap na 2025 Best Performing LCROs Awarding Ceremony noong ika-14 ng Mayo, 2026 sa J&V Hotel and Resort, City of San Fernando, La Union.
Dahil sa dedikasyon at maayos na serbisyo, nasungkit ng San Gabriel ang mga sumusunod na parangal:
2nd Best Performing LCRO sa buong Lalawigan ng La Union
Champion – Naimpusuan a Panagserbi Award (Most Citizen-focused LCRO)
Champion – Natalged a Timpuyog Award (Most Collaborative LCRO)
1st Place – Highest Number of Registered Live Births enrolled in the Birth Registration Assistance Project (BRAP)
1st Runner Up – Naisangsangayan a Ganuat Award (Most Innovative LCRO)
2nd Runner Up – Natulnog Award (Most Responsive and Compliant LCRO)
Ang mga pagkilalang ito, na iginawad ng Philippine Statistics Authority (PSA) – La Union, ay patunay ng pagsisikap ni Ma’am Jemma Macayan Cortes at ng buong kawani ng MCRO na makapaghatid ng mabilis, makabago, at tapat na serbisyong sibil para sa bawat kailyan.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa nagkakaisang layunin ng Lokal na Pamahalaan na itaas ang antas ng pampublikong serbisyo. Makaaasa ang bawat kailyan sa patuloy na pagpapaunlad ng ating mga programa tungo sa isang mas mahusay at tumutugong pamamahala.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EXC8XybS2/