Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

LGU SAN GABRIEL | EMERGENCY COUNCIL MEETING AND PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT FOR TROPICAL STORM KIYAPO

Isinagawa kaninang umaga ang Emergency Council Meeting at Pre-Disaster Risk Assessment kaugnay ng inaasahang epekto ng Tropical Storm Kiyapo.
Pinangunahan ni Mayor Lany B. Carbonell ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng PNP, BFP, at mga pinuno ng mga kinauukulang tanggapan upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon, magsagawa ng pagtataya sa mga posibleng panganib, at pagtibayin ang mga hakbang sa paghahanda at pagtugon sa anumang maaaring idulot ng bagyo.
Layunin ng pulong na higit pang palakasin ang koordinasyon ng bawat ahensya upang matiyak ang maagap at epektibong pagtugon sa anumang sakuna at mapangalagaan ang buhay at kapakanan ng mamamayan.
Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya, at maging handa sa lahat ng pagkakataon. Manatiling alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan.
Official Website of the Municipality of San Gabriel