LGU SAN GABRIEL, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG 37TH NATIONAL STATISTICS MONTH (NSM)!
Buong pagmamaking nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng San Gabriel sa pagdiriwang ng 37th National Statistics Month (NSM) na may temang: “Tuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism.”
Ang NSM Exhibit ay opisyal na binuksan sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony noong Oktubre 5, 2026.
Noong Oktubre 13, 2026, masayang tinanggap ng LGU San Gabriel ang validation team mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) – La Union, kasama ang mga kinatawan at hurado mula sa Provincial Government of La Union (PGLU) at Department of Tourism (DOT) para sa paghatol sa Best NSM Exhibit Competition, na itinaguyod ng PGLU.
Nanatili pa ring NAKABUKAS SA PUBLIKO ang ating NSM Exhibit! Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan at bisita na pumasyal, tumingin, at matuto ukol sa kahalagahan ng datos at estatistika sa pag-unlad ng turismo at ng ating bayan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KLRpSCiDs/