Mag-ingat at Maghanda!
Dahil sa patuloy na banta ng bagyo, hinihikayat ang lahat na maging alerto at handa.
• Manatili sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas.
• Maghanda ng emergency go bag, pagkain, tubig, gamot, flashlight, at power bank.
• Siguraduhing ligtas at matibay ang inyong tahanan.
• Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may kapansanan.
• Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at babala mula sa inyong lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.
Ang paghahanda ay susi sa kaligtasan.