Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Mahigit ₱1.2 Milyong Tulong-Kabuhayan, Ipinagkaloob sa mga SLP Associations ng San Gabriel, La Union

Ang Department of Social Welfare and Development – Field Office 1 (DSWD FO I), sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Gabriel, La Union, ay matagumpay na nagsagawa ng Ceremonial Awarding ng Project Development and Advancement Grants (PDAG) noong Hunyo 3, 2026 sa Municipal Hall, San Gabriel, La Union.
Layunin ng programang ito na suportahan at palakasin ang product enhancement at value-chain development ng mga proyekto sa kabuhayan, upang higit pang mapaunlad ang kakayahan at sustainability ng mga samahang benepisyaryo.
Kabuuang halagang Php1,000,400.00 ang ipinagkaloob sa pitong (7) Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), na kinabibilangan ng:
• LIPAY SUR SLPA
• LIPAY NORTE SLPA
• LACONG SLPA
• BALBALAYANG SLPA
• POLIPOL SLPA
• AMONTOC SLPA
• BUMBUNEG SLPA
Bukod dito, isang Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng Php229,500.00 ang ipinagkaloob sa BILEG KEN BALLIGI TI MANNALON (BBM) SLPA upang higit pang mapalakas at mapalawak ang kanilang negosyo sa kabuhayan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat samahan, na nagpapakita ng kanilang aktibong pakikilahok at matibay na adhikain para sa pagpapaunlad ng kabuhayan.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng DSWD FO I – SLP at Pamahalaang Bayan ng San Gabriel sa pagsusulong ng inklusibo at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng komunidad.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1cJzTjPHjn/

Official Website of the Municipality of San Gabriel