Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

MARIS TI PANAGKAYSA: LGU San Gabriel, nakiisa sa makulay na pagdiriwang ng LU Pride Month 2026!


Isang nagniningning at makulay na pagpapakita ng suporta ang inihatid ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating LGU San Gabriel, kasama ang Gay Association of San Gabriel, La Union at ang Bucao Gays Association, sa ginanap na Provincial Pride Month Celebration nitong nakaraang Hunyo 28, 2026, sa SM City, City of San Fernando.
Sa temang “Maris ti Panagkaysa” (Kulay ng Pagkakaisa), buong-lakas na rumampa at nakiisa ang ating delegasyon sa Pride March, Symposium, at iba’t ibang aktibidad na naglalayong isulong ang pag bìnhad, pagtanggap, at paggalang sa karapatan ng bawat miyembro ng LGBTQIA+ community. “Agkaysa para sa tunay na pag-unlad!” Patunay lamang na sa Bayan ng San Gabriel, walang pinipiling kasarian ang pag-ambag ng kabutihan at pagmamahal sa lipunan. Salute sa lahat ng ating mga kinatawan na nagpakita ng galing, talento, at pagkakaisa! Agbiag ti LGBTQIA+ Community ti San Gabriel!

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18tHv5EnBm/

Official Website of the Municipality of San Gabriel