Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Matagumpay na naisagawa ang Municipal-Wide Elementary Graduation Ceremony ng Bayan ng San Gabriel noong March 31, 2026 sa Municipal Covered Court.

Sa temang “Filipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character,” sama-samang ipinagdiwang ng ating mga mag-aaral, magulang, at guro ang isang mahalagang yugto sa buhay ng bawat bata. Mula sa iba’t ibang barangay, iisa ang ngiti at iisang tagumpay ang ating ibinahagi.
Hindi lang ito simpleng pagtatapos, ito ay kwento ng pagsisikap, pangarap, at pag-asa. Sa diwa ng Agkaysa, ipinakita natin na mas nagiging makabuluhan ang tagumpay kapag sama-sama itong ipinagdiriwang.
Sa ating mga nagsipagtapos, taos-pusong pagbati! Dalhin ninyo ang inyong mga natutunan, pangarap, at mabuting pagkatao saan man kayo dalhin ng susunod ninyong hakbang. Kayo ang pag-asa ng San Gabriel.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1B4GGsma9R/

Official Website of the Municipality of San Gabriel