MAYOR LANY CARBONELL, NAKIBAHAGI SA 1ST REGULAR PDC FULL COUNCIL MEETING FOR CY 2026
Dumalo si Mayor Lany Carbonell sa isinagawang 1st Regular Provincial Development Council (PDC) Full Council Meeting for CY 2026 na pinangunahan ni Governor Mario Eduardo Ortega sa Francisco I. Ortega Convention Center sa City of San Fernando nitong Mayo 26, 2026.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang iba’t ibang programa, plano, at proyektong nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng mga bayan sa lalawigan, katuwang ang mga lokal na opisyal at kinatawan ng iba’t ibang sektor.
Patuloy na pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang pakikipag-ugnayan at aktibong partisipasyon sa mga inisyatibong naglalayong mapahusay ang serbisyo publiko at mapabilis ang pag-unlad ng komunidad.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CWoNZBEfr/









