Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

National Heroes’ Day

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng tapang, panahon, at buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa.
Kasabay nito, saludo tayo sa mga makabagong bayani, mga Pilipinong patuloy na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa kapwa at bayan.
Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa laki ng sakripisyo o sa pagkilala ng kasaysayan. Makikita rin ito sa simpleng pagtulong, pagdamay, paglingap, at pagtindig para sa tama. May mga bayaning kilala at may mga bayani ring tahimik na gumagawa ng kabutihan nang walang hinihintay na kapalit.
Sa bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod, nagsasakripisyo, at nagbibigay ng malasakit para sa kapwa at bayan, buhay ang diwa ng kabayanihan.
Sa mga bayani noon at sa mga makabagong bayani ngayon, taos-pusong saludo sa inyong tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan. 🇵🇭
Maligayang Araw ng mga Bayani!

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19cPQV9mwm/

Official Website of the Municipality of San Gabriel