Nilagdaan ni Municipal Mayor Lany M. Baobaoen-Carbonell ang Executive Order No. 49-2026
Nilagdaan ni Municipal Mayor Lany M. Baobaoen-Carbonell ang Executive Order No. 49-2026 upang palakasin ang biosecurity, regulasyon sa paggalaw ng mga baboy, at tamang inspeksyon ng karne laban sa African Swine Fever (ASF) sa San Gabriel.
Inaatasan ang lahat na unahin ang lokal na suplay mula sa mga rehistradong nagtitinda, mahigpit na ipagbawal ang mga undocumented na produktong baboy, at isailalim sa tamang inspeksyon at sa Municipal Slaughterhouse ang lahat ng baboy para sa komersyal na pagbebenta.
Kailangan ding sundin ng mga magbababoy ang mahigpit na biosecurity at iulat agad ang anumang hindi pangkaraniwang pagkamatay ng baboy sa Municipal Agriculture Office. Ang lalabag ay mahigpit na papatawan ng kaukulang parusa.
Basahin ang buong detalye sa mga nakalakip na larawan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BjeDmYan8/