PAGPAPAHALAGA AT PAGKILALA SA ATING MGA SENIOR CITIZEN AT NAKATATANDANG PILIPINO
Matagumpay at payak na idinaos ng Pamahalaang Lokal ng San Gabriel ang taunang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, kung saan muling binigyang-diin ang mahalagang papel ng ating mga senior citizen sa ating pamayanan.
Bilang pormal na simula ng aktibidad, pinangunahan ang programa ng isang Thanksgiving Service. Ang gawaing ito ay naglayong mag-alay ng panalangin at taos-pusong pasasalamat sa Panginoon para sa patuloy na biyaya ng kalusugan, lakas, at mahabang buhay na ipinagkakaloob sa ating mga nakatatanda.
Ang nasabing pagtitipon ay nakiisa sa pambansang tema ngayong taon: “Nakatatandang Pilipino: May Halaga, Boses, at Ambag sa Bayan.”
Sa pamamagitan ng simpleng programang ito, muling pinagtibay ng LGU San Gabriel ang buong-pusong pagkilala sa karunungan, sakripisyo, at walang katumbas na kontribusyon ng ating mga lolo at lola sa paghubog ng ating bayan. Patuloy na magiging prayoridad ng ating pamahalaan ang pagtataguyod sa kanilang kapakanan at karapatan.
Sa lahat ng ating mga nakatatandang kailyan, tanggapin ninyo ang aming pinakamataas na paggalang at taos-pusong pasasalamat.
Mabuhay ang ating mga Senior Citizen!
Mabuhay ang ating mga Nakatatandang Pilipino!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19sBHNN96B/