PAKAAMMO kadagiti umili ti San Gabriel
1. Inaanyayahan ng Local Government Unit of San Gabriel, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office, ang lahat ng mamamayan na makiisa sa Kadiwa ng Pangulo na gaganapin sa:
Petsa: Hulyo 15, 2026 (Miyerkules)
Lugar: Plaza Auditorium
Samantalahin ang iba’t ibang serbisyong pang-agrikultura at mga produktong de-kalidad sa abot-kayang presyo.
Inaanyayahan din ang mga magsasaka ng San Gabriel na may sariwang ani at produktong pang-agrikultura na nais ibenta na makibahagi sa Kadiwa ng Pangulo. Ito ay isang magandang pagkakataon upang maipagbili ang inyong mga produkto ng direkta sa mga mamimili at masuportahan ang lokal na agrikultura.
2.
P20 RICE PROGRAM ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang mga rehistradong magsasaka at farm laborers sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay maaaring makabili ng:
50 kilo ng NFA milled rice
P1,000.00 lamang bawat 50-kilong sako (katumbas ng ₱20.00 kada kilo)
Paalala: Maaaring maka-avail ang bawat kwalipikadong benepisyaryo isang beses kada semester (kada 6 na buwan).
Ang programang ito ay mula sa National Food Authority (NFA) at may subsidiya ng Food Terminal Incorporated (FTI).
3. REMINDER sa mga Benepisyaryo ng PCIC Claims
Sa mga naabisuhan na kabilang ang kanilang pangalan sa PCIC Claims, pakidala ang mga sumusunod:
1. Isang (1) photocopy ng inyong valid Government-issued ID.
2. Lagdaan ito ng tatlong (3) magkakaparehong pirma.
3. Siguraduhing ang inyong mga pirma ay kapareho ng pirma na nasa inyong valid ID.
4.
PAMAMAHAGI NG BINHI (PALAY)
Para naman sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang binhi, maaari na rin itong kunin sa araw ng Kadiwa.
Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo na dumating nang maaga at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging mabilis at maayos ang proseso.
Kita-kits po tayo sa Hulyo 15, 2026, sa Plaza Auditorium!
Sama-sama nating suportahan ang ating mga magsasaka, palakasin ang seguridad sa pagkain, at itaguyod ang mga lokal na produkto ng San Gabriel.