PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PERSONAL NA NAKIPAG-UGNAYAN SA SAN GABRIEL
Nagtungo kahapon, Agosto 10, 2026, si Governor Mario Eduardo C. Ortega sa Bayan ng San Gabriel, kasama si Board Member Gerard Ostrea, upang personal na alamin at suriin ang kasalukuyang kalagayan ng bayan.
Ang kanilang pagbisita ay nagpapakita ng patuloy na pakikiisa at malasakit sa ating mga kailyan, lalo na sa panahon ng hamon at pangangailangan. Sa pamamagitan ng aktwal na pag-alam sa sitwasyon sa ating mga komunidad, mas napagtitibay ang pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Bayan sa pagtugon sa pangangailangan ng ating kailyan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DiTyRvNiX/