Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

Provision of Food Commodities and Other Essential Needs to Indigent PWDs and PWDs with Debilitating Conditions

Isinagawa ng Municipality of San Gabriel, sa pamumuno ni Hon. Mayor Lany Baobaoen-Carbonell at sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang Provision of Food Commodities and Other Essential Needs to Indigent PWDs and PWDs with Debilitating Conditions noong January 20–21, 2026 sa 15 barangays ng bayan.

May kabuuang 140 indigent Persons with Disability (PWDs), kabilang ang may mga debilitating conditions, ang nakatanggap ng mga pangunahing pagkain at essential goods na inihatid sa
kani-kanilang barangay.

Ang MHO at mga Barangay Midwives ay katuwang ng MSWDO sa pag-identify at monitoring ng mga benepisyaryo, habang ang mga Punong Barangay ay aktibong nakipag-coordinate upang maabisuhan ang mga identified beneficiaries at ang kanilang mga pamilya.

Ang aktibidad na ito ay isang taunang programa ng MSWDO bilang patuloy na pagsuporta sa kapakanan at dignidad ng mga PWDs, alinsunod sa layunin ng Magna Carta for Disabled Persons (RA 7277).
Dumalo rin sa ikalawang araw ng pamamahagi si Hon. Mayor Lany Baobaoen-Carbonell, na nagbigay ng mensahe ng pagkakaisa at pagbibigay-diin na ang Persons with Disability ay kabilang sa mga pangunahing programa ng Lokal na Pamahalaan ng San Gabriel, bilang bahagi ng adbokasiya para sa isang inklusibo at makataong pamahalaan para sa lahat ng sektor, lalo na para sa ating mga PWDs

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18DRmHTqxF/

Official Website of the Municipality of San Gabriel