SIBUL (Silip Ilong Bunganga at Lalamunan)
Ang programang ito ay isang adbokasiya ng Department of Otorhinolaryngology-Head and Neck Surgery ng Ilocos Training and Regional Medical Center na naglalayong magbigay ng libreng screening at gamutan para sa maagang pagtuklas ng mga sakit, lalo na ang mga may kinalaman sa ilong, bibig, leeg, at lalamunan.
Kasalukuyang ginaganap ang medical mission sa Municipal Covered Court ng San Gabriel ngayong araw, mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM.
Patuloy na isinasagawa ang check-up at konsultasyon para sa ating mga kailyan sa pakikipagtulungan ng LGU San Gabriel, kung saan ang mga espesyalista sa ENT ay nagbibigay ng serbisyong medikal at kaalamang pangkalusugan upang mapalaganap ang kahalagahan ng maagang pagpapatingin at pag-iwas sa sakit.
Taos-pusong pasasalamat mula sa LGU San Gabriel sa SIBUL team ng Ilocos Training and Regional Medical Center sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kalusugan ng aming komunidad. Ang inyong serbisyo ay tunay na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng aming mga kailyan.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1GKAPssH3D/









