#SOPA2026
Pinangunahan ni Mayor Lany B. Carbonell, kasama sina Vice Mayor Ramolito Guinomma, Sangguniang Bayan Member Isagani Dumaoang, SK Federation President Evelyn Ruth David, at ang Liga ng mga Barangay ng San Gabriel President Godfrey Milan kasama ang mga miyembro nito, ang pakikiisa sa 2026 State of the Province Address (SOPA) ni Governor Mario Eduardo C. Ortega.
Ang pagdalo sa nasabing okasyon ay sumasalamin sa matatag na ugnayan at patuloy na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Gabriel sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, inklusibong pag-unlad, mahusay at tapat na paghahatid ng serbisyo publiko, at mga programang naglalayong maghatid ng pangmatagalang kaunlaran para sa bawat mamamayan.
Naging mahalagang pagkakataon din ang SOPA upang maipabatid ang mga nagawa, mga prayoridad, at mga programang nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan. Sa diwa ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, nananatiling katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Gabriel sa pagsasakatuparan ng isang mas matatag, mas maunlad, at mas progresibong La Union para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DWH9nMdCK/