SPECIAL PAYOUT FOR NEW BENEFICIARIES OF SOCIAL PENSION | SAN GABRIEL, LA UNION
Noong October 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang Special Payout for New Beneficiaries of the Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) sa Municipal Covered Court, San Gabriel, La Union.
May kabuuang 185 ELIGIBLE SENIOR CITIZENS mula sa iba’t ibang barangay ng San Gabriel ang tumanggap ng kanilang kauna-unahang social pension na katumbas ng isang quarter, bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang payout ay isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), in partnership with the Local Government Unit (LGU) of San Gabriel through the Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong panlipunan at financial assistance para sa ating mga indigent senior citizens.
Patuloy ang pagtutulungan ng DSWD at ng LGU San Gabriel upang matiyak na ang ating mga lolo at lola ay mabibigyan ng angkop na suporta, pagkalinga, at serbisyong nararapat para sa kanila. 
Serbisyong may malasakit, para sa bawat nakatatanda!
CLICK HERE:Â https://www.facebook.com/share/p/1FvmGcyEDx/