Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

STRENGTHENING PARENT PARTNERSHIP THROUGH CDSPG LEARNING SESSIONS

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Gabriel, La Union noong October 19, 2026, ang Seminar/IEC for Child Development Service Parents Group (CDSPG) Officers upang palawakin ang kanilang kaalaman, palakasin ang kanilang kakayahan, at hikayatin ang aktibong pakikilahok at suporta ng mga magulang sa pagpapaunlad ng ating mga Child Development Centers (CDCs).
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang paksa tungkol sa nutrisyon at kalusugan ng bata, positibong pagiging magulang, mga tungkulin ng CDSPG Officers sa pamamahala ng mga pasilidad, CDC/CDW Accreditation Checklist, at karapatan at proteksyon ng mga bata.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman at expertise sina Bb. Mary Anne Nuesca, Municipal Nutrition Action Officer; Gng. Judy Anne T. Malatag, MSWDO; Gng. Aurea N. Cariño, Gng. Noralisa Coy-om, at Bb. Ruby G. Soriano, Child Development Workers; at PCpl Raquel D. Sao-an mula sa Women and Children Protection Desk (WCPD).
Higit sa pagbabahagi ng kaalaman, nagsilbing mahalagang pagkakataon ang aktibidad upang palakasin ang papel ng mga CDSPG Presidents bilang katuwang ng MSWDO at mga Child Development Workers sa paghikayat ng partisipasyon, suporta, at aktibong pakikipagtulungan ng mga magulang para sa ikabubuti ng mga bata at ng buong CDC community.
Sa sama-samang pagkilos ng mga magulang, CDSPG Officers, Child Development Workers, at lokal na pamahalaan, patuloy nating itataguyod ang isang ligtas, malusog, mapagmahal, at suportadong kapaligiran kung saan bawat bata ay may pagkakataong matuto, lumago, at umunlad.
Official Website of the Municipality of San Gabriel