SUPPLY NG MASUSTANSYANG PAKAIN, NAKAPAGSIMULA NA PARA SA 250 BATANG SAN GABRIEL
Nagsimula na ang unang delivery cycle ng mga food commodities para sa 16th Year Supplementary Feeding Program (SFP) CY 2026 sa Municipality of San Gabriel, La Union.
Sa ilalim ng programa, nakatanggap ang 24 Child Development Workers (CDWs) mula sa 24 Child Development Centers (CDCs) ng kani-kanilang food allocation para sa kabuuang 250 batang benepisyaryo na edad 2–5 taong gulang.
Iba’t ibang uri ng pagkain ang inilaan para sa mga bata, kabilang ang grocery items, gulay, prutas, root crops, bigas, poultry products, isda, at livestock. Ang mga ito ay gagamitin bilang bahagi ng paghahanda ng masustansya at angkop na pagkain para sa mga batang kalahok sa feeding program.
Bago at kasabay ng pamamahagi, binigyang-diin din ng MSWDO ang mahahalagang program guidelines at implementation reminders para sa mga CDW, partikular sa wastong pagtanggap, paghawak, pag-iimbak, paghahanda, at paggamit ng mga food commodities. Layunin nitong mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng pagkain hanggang sa maihatid ito sa mga batang benepisyaryo.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang mga Child Development Workers at iba pang stakeholders. Patuloy din ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng San Gabriel, sa pangunguna ni Mayor Hon. Lany M. Baobaoen-Carbonell at ni Vice Mayor Ramolito A. Guinomma, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, para sa mga programang nagsusulong ng mas malusog at mas maayos na kinabukasan para sa mga batang San Gabriel.
Para sa bawat batang San Gabriel, masustansyang pagkain, sama-samang pagkilos, at malasakit mula sa komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Lti2gGkZ7/