Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

“The Softbroom Capital of the North, and Premier Highland Vegetable Producer, & Adventure Tourism Paradise of La Union”

TULONG PARA SA MGA KAILYAN NA NASUNUGAN

Kahapon September 10, 2026, personal na naihatid ng Provincial Government of La Union (PGLU), sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang financial assistance para sa tatlong pamilyang naapektuhan ng sunog noong August 24, 2026 sa Barangay Bayabas, San Gabriel, La Union.
Ang tulong ay inilaan para sa kanilang mga pangangailangan kaugnay ng shelter recovery, repair at reconstruction ng kanilang mga nasirang tahanan, habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa sinapit na pagsubok.
Nakiisa sa paghahatid ng assistance sina Mayor Lany M. Baobaoen-Carbonell, mga kinatawan ng Sangguniang Bayan, MSWDO, at PNP.
Sa panahon ng pagsubok, hindi hadlang ang distansya upang maihatid ang tulong at malasakit sa ating mga kailyan. Malaking bagay ang bawat tulong na umaabot sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa kanilang pagsisimulang muli.
Agyaman kami, PGLU, iti tulong ken panangipateg yo kadagiti kailyan tayo. ❤️
Official Website of the Municipality of San Gabriel