Turnover Ceremony para sa Universal Social Pension ng mga Senior Citizen
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas inklusibong serbisyo para sa mga senior citizen ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Gabriel ngayong ika-16 ng Hulyo 2026, sa pamamagitan ng Turnover Ceremony ng Municipal Resolution No. 166-2026, bilang suporta sa agarang pagsasabatas ng Universal Social Pension for Senior Citizens Act.
Sa pamamagitan ng resolusyong ito, muling ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang matibay nitong paninindigan na isulong ang kapakanan, dignidad, at seguridad ng bawat senior citizen.
Mainit na sinalubong ang mga panauhin nina Punong Bayan Hon. Lany M. Baobaoen-Carbonell, Vice Mayor Ramolito A. Guinomma, SBM Jonathan Obar, SBM Renato Laquidan, SBM Benilda Bang-oa, SBM Mauricio Canutab, SBM Isagani Dumaoang, IPMR Eliseo Guinomma, OSCA Head Elias Nana, at MSWDO Judy Anne Malatag.
Naging tampok sa programa ang mensahe ng panauhing pandangal na si Hon. Mila Magsaysay, kinatawan ng United Senior Citizens Partylist, gayundin ang talakayan ni G. Mico Magsaysay, Tagapangulo ng United Senior Citizens Partylist, na nagbigay-linaw sa mga pangunahing probisyon at layunin ng panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens Act.
Dumalo rin sa aktibidad si Board Member Miguel Corleone Magsaysay upang magpakita ng kanyang buong suporta sa naturang inisyatibo.
Nagpahayag naman ng kanyang patuloy na suporta si Mayor Lany sa mga programang naglalayong mapalawak ang benepisyo at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng ating mga senior citizen.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Edhwk1bqf/