Turnover Ceremony
–
Isang mahalagang hakbang para sa Pamahalaang Bayan ng San Gabriel ang matagumpay na pamamahagi ng mga multi-purpose vehicles sa labinglimang (15) barangay. Layunin nitong higit pang mapalakas ang kakayahan ng bawat komunidad sa mabilis at episyenteng paghahatid ng serbisyong pampubliko at pagtugon sa mga sakuna.
Ang mga sasakyang ito ay sumisimbolo sa patuloy na pagkakaisa at malasakit ng pamahalaan sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
Buong pasasalamat ng LGU San Gabriel, sa pangunguna ni Mayor Lany B. Carbonell at Vice Mayor Ramolito A. Guinomma, ang ipinaaabot sa Provincial Government of La Union sa pamumuno ni Governor Mario Eduardo Ortega, gayundin kina Vice Governor Eric O. Sibuma at First District Congressman Francisco Paolo Ortega V, kasama ang lahat ng nakiisang opisyal at kawani, para sa kanilang sama-samang suporta at dedikasyon sa pag-unlad ng ating komunidad.
Nakiisa rin sa nasabing programa ang mga Board Members na sina Hon. Chary Nisce, Hon. Miguel Corleone Magsaysay, Hon. Gerard Ostrea, Hon. Aaron Kyle Pinzon, Hon. Jefferson Fernando, Hon. Teresita Garcia, Hon. Harold Dave Sibuma, Hon. Ramon Guio Ortega, Jr., at Hon. Joyce M. Abuan; gayundin ang mga kawani ng PGLU sa pamumuno ni Provincial Administrator Ramon B. Torres.
Sa sama-samang pagkilos, patuloy nating itinataguyod ang isang ligtas, matatag, at maunlad na San Gabriel.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CmzFodQ7h/